Frontliners inuna sa rapid testing

Community-based rapid testing isinagawa sa Gen. Licerio Geronimo Elementary School. Inuna ang mga frontliners tulad ng mga health workers at mga essential workers sa Sampaloc, Manila.


MPD Director isinugod sa hospital

Isinugod sa hospital si Manila Police District Director PBGen Rolando Miranda matapos na manikip ang dibdib, kaninang umaga habang nagsasagawa ng inspeksiyon sa ipinatutupad na hard lockdown sa Sampaloc District sa Maynila.


Naglibot ang mga miyembro ng Manila-Swat ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila matapos itong isailalim sa hard lockdown bunsod ng dumadaming kaso ng COVID-19

Manila-Swat nagkalat sa Sampaloc

Naglibot ang mga miyembro ng Manila-Swat ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila matapos itong isailalim sa hard lockdown bunsod ng dumadaming kaso ng COVID-19


48hr hard lockdown sa Sampaloc ikinasa

Eksaktong alas-otso isinara na mga kalye sa iba’t ibang barangay sa District 4 ng Sampaloc hudyat na nagsimula na ang inilatag na 48hr hard lockdown ng Lungsod ng Maynila. Ang mga lalabag sa lockdown ay huhulihin ng mga pulis at sundalo.