Nakumpiskang tricycle, pedicab na namamasada habang ECQ umabot 70

Simula nang ipatupad sa Metro Manila ang enhanced community quarantine (ECQ), umabot na sa 70 tricycle at pedicab ang nahuli ng Manila Station 3 sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila matapos bumiyahe kahit pa may kautusan na bawal mamasada ang mga pampublikong sasakyan.


Mga pamilihan sa Quiapo dinagsa na rin

Maging ang maliliit na pamilihan sa gilid ng Quiapo Maynila ay dinadagsa ng mga mamimili upang bumili ng kanilang mga kakailanganin gaya pagkain gulay,isda,prutas at iba pa isang araw bago ipatupad ang Community Quarantine na magsisimula sa Marso 15 ng gabi at tatagal hanggang Abril 14 bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.