Andanar sa ayaw ng condom at pills: Magpagawa kayo ng chastity belt!

Idinaan na lamang sa biro ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang sagot sa mga grupong hindi natuwa sa payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga umuwing overseas Filipino worker (OFWs) na huwag gumamit ng condom at sa halip ay mag-pills na lang.