Atas ng POC sa mga NSA: ‘Wag munang magpalaro

Nakisakay ang Philippine Olympic Committee sa desisyon ng gobyerno na magpatupad ng precautionary measure sa pagpapayo sa mga national sports association na huwag munang magpalaro at sumali sa malalaking event para makaiwas sa coronavirus disease o COVID-19.


Patas na ‘kumpas’ ng POC, asam ni Cantada

Asam ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na magiging patas ang Philippine Olympic Committee (POC) sa magiging hatol nito sa natatangi at official volleyball association ng bansa.


Boxers apektado sa coronavirus

Sinulatan ng Philippine Olympic Committee ang International Olympic Committee hinggil sa delikadong sitwasyon ng national boxers na sasabak sana sa nalalapit na special na Olympic Qualifying Tournament ng 2020 Tokyo Olympics sa binabagabag ng coronavirus na Wuhan, China.


ABAP, Lacuna dadada sa PSA Forum

Bibisita ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at ang isa sa limang bagong halal na miyembro ng 2nd Philippine Olympic Committee (POC) athletes commission sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel Manila.


PVF may basbas pa rin ng FIVB

‘Di pa rin maayos ang sitwasyon ng volleyball sa bansa tapos lumabas na balik listahan sa International Volleyball Federation o FIVB website ang Philippine Volleyball Federation (PVF) bilang national federation na kinikilala nila sa bansa nitong Disyembre 11.


Mga atleta tiba-tiba bago mag-Pasko

Bukod sa mga medalyang napanalunan ng mga atleta sa natapos, Miyerkoles ng gabi, sa 30th Southeast Asian (SEA) Games 2019, limpak-limpak na salapi rin ang maibubulsa nila mula sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), at kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Mga Pinoy sports icon bibitbitin ang SEAG flag

Bibitbitin ng anim na Pilipinong sports icon ang prestihiyosong bandila ng Southeast Asian Games Federation (SEAGF) habang anim na pambansang atleta naman ang magdadala sa watawat ng bansa sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games 2019 sa Philippine Arena sa Bulacan at New Clark City sa Tarlac sa Sabado, Nobyembre 30.


butch-ramirez

Isyu ng IT, equipment sa SEAG inaayos na – Butch

Ginagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng paraan upang makumpleto sa mas lalong pinakamabilis na panahon at paraan ang mga kinakailangan ng kabuuang 56 sports gayundin para sa nag-oorganisang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) at Philippine Olympic Committee (POC).


Phisgoc, POC, PSC na-TRO sa SEAG IT

‘Di pa man nagsisimula ang mga laro sa ikaapat na pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 2019 ay nauna nang gumulong ang labanan sa mas magulo na legalidad sa loob ng korte.


Huling tsansa ng POC, PTTF

Nabigyan ng pagkakataon ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Table Tennis Federation (PTTF) na habulin ang desisyon ng General Santos City Regional Trial Court Branch 37 sa pinag-uutos na bawiin ang pagkilala sa national sports association sa table tennis.


Top 3 asam ni Bambol sa 30th SEAG hosting

Mataas ang kumpiyansa ng bagong upo na Philippine Olympic Committee (POC) president na si Abraham ‘Bambol’ Tolentino na magagawa ng Pilipinas na makipaglabanan para sa unang tatlong puwesto sa ikaapat na pagkakataong pagbalikat sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.


Richard Gomez tinanggihan ang alok ng POC

Tinanggihan ng Ormoc City Mayor at president ng Philippine Fencing Association na si Richard Gomez ang alok na posisyon sa kanya ng Philippine Olympic Committee (POC).


Tolentino aayusin ang gusot sa POC

Umaasa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makakaharap ang bumubuo sa mayoryang miyembro upang mapag-usapan ang malalim na isyu at agad maitakda ang direksiyon ng sports sa bansa sa pinatawag na Extraordinary Executive Board meeting sa Biyernes.


Boycott agad kay Bambol

Tapos mahalal nitong Linggo, makakatikim agad ng simpleng boycott ang bagong pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Abraham “Bambol” Tolentino.


ABANTE Philippine Sports Commission william butch ramirez

Butch papa-SEA Games unity meeting sa Hulyo 28

Magsasagawa ng isang unity meeting para sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games 2019 ang Philippine Sports Commission na pangungunahan ni Chairman William ‘Butch’ I. Ramirez na siya ring chef de mission ng Team Pilipinas sa Hulyo 28 sa Malacañang Palace, San Miguel, Manila.


IOC/OCA representative sa POC polls tinalaga

Tinalaga na ang International Olympic Committee (IOC)/Olympic Council of Asia (OCA) representative na magsisilbing observer sa dalawang krusyal na pulong ng Philippine Olympic Committee (POC) tapos matanggap ang resolusyon na inaprubahan ng executive board ng pribadong ahensiya ng sports sa bansa.