CBCP mga elitista! – Duterte

Mga mayayaman lamang ang kaibigan ng mga pari at obispong miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.


Sa isang talumpati ng Pangulo sa naganap na kick-off rally ng mga senatorial bet sa ilalim ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan noong Pebrero 14, muli na namang binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at Obispo. Saad niya sa kaniyang speech, marami aniyang pera ang mga Obispo kaya ang mga ito ang holdapin. Dagdag pa nito, sakaling manlaban ang hinoholdap na Obispo ay patayin ito. “Holdapin ninyo ‘yung obispo ninyo, maraming pera ‘yan. Kapag lumaban, patayin mo. Maglibing tayo ng obispo,” saad ng Pangulo. Pagpapatuloy pa nito, ang ayaw niya umano sa Katoliko ay ito ang pinaka-ipokritong institusyon. Muling isinalaysay ng Pangulo ang ginawang pangmomolestiya sa kaniya at sa kaniyang mga kaklase noon ng mga pari. (Jobelle Macayan)

Duterte: Mga Obispo holdapin, patayin!

Sa isang talumpati ng Pangulo sa naganap na kick-off rally ng mga senatorial bet sa ilalim ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan noong Pebrero 14, muli na namang binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at Obispo.


Duterte sa mga tambay: holdapin, patayin ang Obispo

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng kanyang speech na nakadirekta sa mga tambay na holdain nila ang Obispo nila dahil sa di umano’y marami nitong pera. Dagdag pa niya na patayin ang mga ito.


Duterte: Patayin ang mga pari at obispo para makaganti

Muling ipinaliwanag ni Pangulong Duterte ang dahilan kung bakit niya sinabing patayin ang mga obispo at mga
pari. Ito ay bilang pag ganti sa parinig ng isang obispo na humiling sa isang misa na sana ay mamatay na ang Pangulo.