Bulldogs kinatay uli ni Suerte, Warriors

Nagtapos sa panalo ang karera ni Rey Suerte at UE Red Warriors sa muling paglusot sa NU Bulldogs, 79-77, sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2nd round elims Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.


Kouame, Ateneo 1 panalo na lang sa finals

Tuloy ang ratsada nina Kakou Angelo Franck Williams Kouame at Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang tadtarin ng Ateneo Blue Eagles ang NU Bulldogs, 88-51, para sa ika-13 na sunod na panalo Sabado ng hapon sa Ynares Center, Antipolo City.


Rambol sa UAAP Final 4 tumitindi

Lalo pang umiinit ang bakbakan ng apat na koponan sa natitirang puwesto sa Final Four ng 82nd UAAP seniors basketball tournament sa nasa homestretch ng 2nd round elims.


Go ilalapit sa finals ang Ateneo

Pananatilihin nina Isaac Go, Thirdy Ravena at Ateneo Blue Eagles ang malinis na 13-0 record para lumapit sa outright finals laban sa out nang NU Bulldogs sa mainit pa ring ratratan sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 2nd round elims mamaya sa Ynares Center, Antipolo.


Cansino, Abando pinulbos ang NU

Nagtulungan sina sophomore guard CJ Cansino, Renzo Subido at ang nagbabalik sa aksiyong rookie na si Rhenz Abando para buhatin ang University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers sa 88-76 panalo laban sa National University (NU) Bulldogs kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.


Abando nagpasalamat sa swerte

Muling kinapitan ng UST Growling Tigers ang pangmalakasang laro ni rookie Rhenz Abando kontra NU Bulldogs nitong Linggo sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.


Akhuetie sinandigan ng UP kontra NU

Wagi ang UP Fighting Maroons kontra NU Bulldogs, 82-71, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Ynares-Center Antipolo, Sabado, Nobyembre 3.


Ahanmisi nagliyab, Adamson angat sa NU

Tinuldukan ng Adamson Soaring Falcons ang kanilang two-game slide laban sa bisa ng 69-58 na pagpapatahimik sa NU Bulldogs noong Miyerkoles sa second game ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.


Clemente bumida, NU tinambakan ang UE

Winakasan ng NU Bulldogs ang kanilang five-game losing skid sa pagtagpas sa University of the East Red Warriors, 88-61, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena nitong Sabado, Oktubre 13.


kobe-paras

Bangis ni Paras, panis sa Bulldogs

Nanumbalik ang porma ng tinaguriang basketball prodigy na si Kobe Paras nang pangunahan ang opensiba ng Gilas Cadets ngunit hindi ito naging sapat nang sakmalin ng NU Bulldogs ang Gilas, 86-81, sa Filoil Flying V Preseason Cup sa FilOil Flying V Centre-San Juan Martes ng gabi.


bryan-bagunas

Bagunas inakay ang NU Bulldogs sa finals

Umiskor ng 29 puntos si Bryan Bagunas para pangunahan ang National University sa pagsagasa sa University of Santo Tomas, 25-13, 25-13, 31-29 at makuha ang kanilang sunod na final appearance sa UAAP Season 80 men’s volleyball tournament sa MOA Arena.