Smash Pilipinas olats sa Thailand

Nakalasap agad ng talo ang Smash Pilipinas kontra world rank Thailand sa 2020 Badminton Asia Manila Team Championships nitong Martes sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.


PBA maglalaro sa Rizal Memorial Coliseum, Ninoy Aquino Stadium

Magbabalik sa lugar na isa sa pinagmulan at pinanggalingan din ng talento ng ilang basketball players ang Philippine Basketball Association (PBA) sa bagong ayos at pinagandang Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at PhilSports Arena ng PhilSports Complex sa Pasig.


Manyak na nambiktima ng 11 dalagita iniharap kay Mayor Isko

Iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno ang suspek na si Francisco Zorillo matapos itong ireklamo ng pang momolestiya sa tangapan ng Manila Police District – Special Mayors Reaction Team (SMART) ng mga magulang ng kanyang mga nabiktima. Umabot sa 11 dalagita na nakilala lang sa social media ang naging biktima ni Zorillo. Naaresto ang suspek sa follow up operation sa CM Recto cor N.Reyes St. Sampaloc Manila.


P3.4M shabu nasabat sa parking area ng Manila Cathedral

Nabitag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) ang tatlong itinuturing na ‘high value drug targets’ o HVT at nakumpiska sa kanila ang umaabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa parking area sa Manila Cathedral, Intramuros, Manila, nitong Martes ng hapon.