P3.4M shabu nasabat sa parking area ng Manila Cathedral

Nabitag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) ang tatlong itinuturing na ‘high value drug targets’ o HVT at nakumpiska sa kanila ang umaabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa parking area sa Manila Cathedral, Intramuros, Manila, nitong Martes ng hapon.