Social distancing binalewala sa Las Piñas

Nagsiksikan ang mga residente habang dikit-dikit sa pila para sa pinamimigay ng relief goods ng Las Piñas City government, kahit pa may utos na social distancing ang gobyerno laban sa coronavirus disease (COVID-19).


Mga kalsada, maluwag

Bibihira nalang ang mga sasakyan sa lansangan sa bahaging ito ng Baclaran papunta ng Parañaque, Las Piñas at Cavite sa kahabaan ng Coastal Road.


Mga empleyado hinarang sa checkpoint

Mga empleyado hinarang sa checkpoint

Halos 10 empleyado ng iba’t ibang kompanya na galing sa Dasmariñas, Cavite ang pinigilan sa may Zapote Road, Las Piñas City checkpoint na uuwi na sana sa kani-kanilang bahay, subalit base sa protokol ng PNP ay pansamantalang hindi muna ito pinapayagan. Ang mga empleyado ay naglakad lamang dahil wala silang masakyan.


Kahit limitado sa 2 per tao, alcohol ubos pa rin

Walang mabiling alcohol sa ilang mga grocery, convenience store at drug store sa Las Piñas at Alabang nitong Sabado, Marso 14 sa kabila ng paniniguro ng Department of Trade and Industry na may sapat na suplay at kahit pa inilimita na ang mabibiling bote nito sa dalawa kada isang tao.


Alkalde: Lockdown sa Las Piñas sa nCoV fake news!

Pinabulaanan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang mga kumakalat na balita sa social media na naka-lockdown ang Las Piñas Doctors Hospital dahil sa pasyenteng tinamaan ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV ARD).


15 Chinese inaresto dahil sa human trafficking

Iniharap ng NBI sa pangunguna ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin ang 15 Chinese National na kinabibilangan ng tatlong babae matapos maaresto ng NBI-Anti Organized and Transnational Crime Divison sa magkahiwalay na operasyon sa Las Piñas inaresto ang mga suspek sa kasong Human Trafficking.