Korkmaz iniungos ang Sixers sa Blazers

Sumakay ang Philadelphia 76ers sa wala sa pormang 3-pointer ni Furkan Korkmaz 0.4 seconds na lang sa orasan para agawin ang 129-128 panalo kontra Portland Trail Blazers, Sabado ng gabi.


Freethrow ni Towns, nagpadapa sa Golden State

Nanakaw ng Minnesota Timberwolves ang 131-130 na overtime victory kontra Golden State Warriors Biyernes ng gabi (Sabado, oras sa Pilipinas) sa likod ng isang freethrow ni Karl-Anthony Towns sa huling 0.05 segundo ng laro.


Game-winner ni Rose, nagpasilaw sa Suns

MVP form ang ipinamalas ng Minnesota Timberwolves player na si Derrick Rose sa kanilang panalo kontra sa Phoenix Suns, 116-114 nitong Lunes ng umaga sa Pilipinas.


Rose muling naglaro sa Chicago, ‘MVP!’ sigaw ng mga fan

Kahit natalo ang Chicago Bulls, tila hindi ito ininda ng community dahil sa muling paglalaro sa kanilang arena ng itinuturing na hometown prodigy na si Derrick Rose. Wagi ang kasalukuyang koponan ni Rose na Minnesota Timberwolves, 119-94, at isa si Rose sa naging dahilan ng kanilang pagkapanalo. Nag-ambag si Rose ng 24 puntos at walong […]


T-Wolves sinagpang ang Rockets sa Game 3

May 28 puntos si Jimmy Butler, kabilang ang apat na 3-pointers habang may 18 puntos at 16 rebounds si Karl-Anthony Towns para talunin ng Minnesota Timberwolves ang Houston Rockets 121-105 sa Game 3 Sabado ng gabi para sa kanilang unang postseason victory sa 14 na taon.


Towns may 20-20 sa paglapa ng T-Wolves sa Mavs

Umiskor ng 21 points, nagdagdag pa ng 20 rebounds si Karl-Anthony Towns para pangunahan ang Minnesota Timberwolves sa pagsakmal sa Dallas Mavericks, 93-92, nitong Biyernes sa American Airlines Center.