Ben wagas ang topless

Naaliw ang netizens sa post ni Ben Alves sa Instagram na, “‘Di ko na alam kung mekaniko o macho dancer si Joaquin,” dahil shirtless at labas ang mga pandesal ng karakter niyang si Joaquin, habang inaayos ang nasirang sasakyan ni Claire (Bea Binene) sa isang eksena sa Kapuso morning drama na ‘Kapag Nahati ang Puso’.