Pinaasa lang ni Alan! Provisional franchise bill ng ABS-CBN inuurong ni Cayetano

Nagpasya ang liderato ng Kamara na i-atras ang panukalang provisional franchise bill para sa ABS-CBN upang ito’y makapag-operate hanggang Oktubre 31, 2020. Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na minabuti niyang bawiin ang inihain na provisional franchise bill para sa Kapamilya network upang mas mabigyang pansin ng Kamara ang mga nakabinbin na panukala na naglalayong bigyan ng 25-year franchise ang TV network na pag-aari ng Pamilya Lopez.