Velasco: Mga mall dapat magbawas ng konsumo ng kuryente sa araw ng halalan

Velasco: Mga mall dapat magbawas ng konsumo ng kuryente sa araw ng halalan

MANILA – Pinaalalahanan ni House Committee on Energy chairman Lord Allan Velasco (Marinduque) ang mga may-ari ng naglalakihang mga mall sa bansa sa kanilang tungkulin na tumulong sa pagtitipid ng kuryente upang masiguro na may sapat na supply at reserba ng kuryente sa nalalapit na araw ng halalan sa Mayo 13.