DOJ: NTC puwedeng bigyan ng temporary permit ang ABS-CBN

Maaaring atasan ng Kongreso ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng provisional permit ang ABS-CBN para makapagpatuloy ng kanilang operasyon sa oras na mapaso na ang kanilang prangkisa, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.


Drug complaint ng CIDG vs Albayalde binasura ng DOJ

Hindi pinaboran ng Department of Justice (DOJ) ang kasong kriminal na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa dati nitong hepe na si retired PNP chief Gen. Oscar Albayalde.


Trillanes humarap sa pagdinig sa kasong kidnapping

Muling sumalang sa pagdinig ng DOJ ang reklamong kidnapping at serious illegal detention na isinampa ng isang negosyante mula sa Davao laban kina dating Sen. Antonio Trillanes IV at ilan pang personalidad.


Kasong sedisyon kontra Robredo, prinotesta ng Tindig Pilipinas

Nagsagawa ng kilos protesta sa labas ng Department of Justice sa Maynila ang grupong Tindig Pilipinas upang hilingin kay Justice secretary Menardo Guevara ang agarang pagbasura sa kasong sedition na isinampa laban kay Vice President Leni Robredo at 35 iba pa,kasabay ng isinasagawang preliminary investigation ng DOJ sa reklamong sedition laban kay VP Robredo


Mosyon nina Alejano, Diokno, Tañada, sinopla ng OSG

Kinontra ng Office of the Solicitor General (OSG) ang hiling ng tatlong nakulelat na senador noong nagdaang 2019 midterm elections na nahaharap sa kasong sedisyon na ipadiskwalipika ang OSG bilang mga abogado ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).


Kapa binantaan ng warrantless arrest ng DOJ

Pinagsabihan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal at miyembro ng Kapa-Community Ministry International na maaaring maaresto ang mga ito kahit walang warrant of arrest kung ipagpapatuloy pa rin ang kanilang investment scheme.