Motolite diniskarga ni Pantino, Air Force

Kumplutan sa tig-9 points sina May Ann Pantino at Dell Palomata nang giyahan ang balanseng atake ng PH Air Force upang nakagigitlang resbakan ang Motolite, 25-22, 25-23, 25-20, sa 3rd PVL Open Conference 2019 second round elims Miyerkoles nang gabi sa The Arena, San Juan City.


Carlos, Motolite linusutan ang BanKo

Humarurot ng 29 points, 26 ang attacks si Diana Mae Carlos upang iahon mula sa pagkahulagpos sa Motolite ng 2 sets up at lusutan sa dikdikang 5 sets ang BanKo, 25-16, 25-21, 19-25, 29-31 19-17, 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 elims sa The Arena-San Juan.