Sereno kinasuhan dahil sa hindi paghahain ng SALN

Dahil sa kabiguan na magsumite ng Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sa loob ng maraming taon na panunungkulan sa gobyerno, ipinagharap na rin ng reklamong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ni Atty. Lorenzo Gadon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Acquittal kay ex-Surigao Gov. Barbers pinagtibay

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang pag-absuwelto o pagpapawalang-sala nito sa kasong kriminal ni dating Surigao del Norte Governor Robert Lyndon Barbers, na may kinalaman sa umano’y maanomalyang pagbili ng overpriced fertilizers.


Dating PNP deputy chief Garbo, misis kinasuhan ng NBI

Nagsampa na ng patong-patong na kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman laban sa isang dating deputy chief ng Philippine National Police (PNP) at asawa nito kaugnay sa tagong-yaman umano nito. Nahaharap sa mga kasong falsification of public documents; paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials […]