Contribution hike, nasa likod ng pagsibak sa SSS execs – Bayan Muna

Nagpahayag ng pagdududa sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, na kaya sinibak sa tungkulin sina dating Social Security System (SSS) Chairman Amado Valdez at Commissioner Jose Gabriel La Viña ay dahil sa pakikipaglaban ng mga ito sa nagaganap na korapsiyon sa loob ng ahensiya.