Higit 30 lindol yumanig sa Taal Volcano

Nasa 32 lindol mula sa bulkan ang naitala ng Taal Volcano Network (TVN) sa nakalipas na 24 oras mula Linggo hanggang Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


69 lindol umuga sa Bulkang Taal

Nasa 69 lindol mula sa bulkan ang naitala ng Taal Volcano Network (TVN) sa nakalipas na 24 oras mula Sabado hanggang Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


101 volcanic earthquake naganap sa 24 oras – Phivolcs

Nasa 101 ang naitalang lindol mula sa bulkan, kabilang ang apat na low-frequency event, ng Taal Volcano Network (TVN) sa nakalipas na 24 oras mula Martes hanggang Miyerkoles, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Ayala nagkasa ng medical mission sa Taal victims

Binaba man sa alert level 3 ang Bulkang Taal, patuloy pa rin ang mga iniindang sakit ng mga Taal Volcano evacuee kaya nagkasa ng medical mission ang Ayala Foundation Inc. (AFI) sa mga bakwit sa Alitagtag at Bauan, Batangas noong Martes.


Sinira ng Taal Volcano eruption, kuwentahin na – Angara

Ngayong naibaba na ang alert level ng Bulkang Taal sa tatlo mula sa dating apat, hinikayat ni Senador Sonny Angara ang lahat ng concerned government agency na magsagawa agad ng assessment o pagsusuri sa pinsalang dulot ng pagsabog ng bulkan dalawang linggo na ang nakakaraan.


50 litro ng breast milk pinamahagi sa Batangas

Namigay ang tanggapan ni Senadora Pia Cayetano at ang Taguig City government ng mahigit 50 litro ng gatas ng ina sa Batangas Medical Center para sa mga sanggol na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.


Citicore nagbigay-tulong sa Taal evacuees

Nakipagkita si Citicore President Oliver Tan kay Batangas Governor Dodo Mandanas upang i-turnover ang mga donasyon ng kompanya para sa mga mamamayang nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.


2K pulis na nagbabantay sa Batangas inalis na

Tinanggal na sa danger zone ang 2,000 pulis mula sa Reactionary Standby Support Force (RSSF) na kinalat sa Batangas para sa pagbabantay ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Harmonic tremor naitala sa Taal Volcano

Nagtagal ng 97 segundo ang harmonic tremor na naitala ng Taal Volcano Network (TVN) sa nakalipas na 24 oras. Ang harmonic tremor ang tuluy-tuloy na seismic signal na nagsasabi ng paggalaw ng magma, o ng volcanic gases mula sa magma, sa loob ng isang bulkan. Karaniwang kasunod o kasabay ito ng mga pagsabog ng bulkan. […]