Kaingin sanhi ng forest fire sa Benguet – DENR-Cor

Ang mga bundok ng Benguet ay patuloy na nasusunog kung saan naabo na ang nasa 106,547 na pine trees at mga sapling (punta) sa mahigit kumulang na 900 ektarya, ayon sa Department of Environment and Natural Resources-Cordillera (DENR-Cor).


Rodriguez, Rizal, wala nang ASF – DA

Dineklara ng Department of Agriculture (DA) na ligtas na sa African Swine Fever (ASF) ang Rodriguez, Rizal, ang unang lugar na nakitaan ng ASF sa bansa.


Bebot nagpuslit ng shabu, marijuana sa tinapay

Kulong ang isang negosyanteng babae matapos mahuli sa umano’y pagpuslit ng iligal na droga at mga drug paraphernalia sa loob ng Buguias District Jail (BDJ) na itinago sa isang loaf bread sa Buguias, Benguet noong Biyernes.


9.4 °C bumungad sa Baguio

Bumaba sa 9.4 centigrade Celsius ang temperature sa Baguio City kasama ang matataas na lugar gaya ng Benguet, Ifugao at Mountain Province, ayon sa Astronomical Services Administration-Baguio (PAGASA-Baguio).


P800K damo sinunog sa Benguet

Pinagsisira at sinunog ang P800,000 halaga ng marijuana plantation sa bundok ng bayang ng Sito Taleb, Sablan, Benguet noong Lunes ng hapon.


Bata tepok sa sunog sa Benguet

Wala nang buhay ang isang 4-anyos na batang lalaki matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Rockyside 2, Lubas, La Trinidad, Benguet noong Sabado.


Chinese, 2 pa nagpa-quarantine vs. nCoV

Tatlo katao, kabilang ang isang Chinese national, ang kusang nagpa-quarantine sa lalawigan ng Benguet sa harap ng pangamba ng novel coronavirus (2019-nCoV), ayon sa Department of Health-Cordillera (DOH-Cor).


Forest fire sa Benguet, halos 2 araw bago naapula

Umabot sa mahigit 48 oras o halos dalawang araw bago naapula ang pagliyab ng isang forest fire sa pagitan ng Kilometer 26 at Kilometer 30 sa bayan ng Atok sa lalawigan ng Benguet, ayon sa Bureau of Fire Protection-Atok (BFP-Atok) kahapon.