Atong Ang ka-level nina James Reid, Daniel Padilla

Magmula nang pumanaw si Miguel Barretto ay muling sumiklab ang apoy sa pagitan ng Barretto sisters. Iba’t ibang kontrobersya at sikreto ang lumabas. Ang higit na naging tampulan ng pansin ng mga netizen ay ang isyung inagaw umano ni Gretchen Barretto si Atong Ang mula sa pamangkin niya na si Nicole Barretto. Si Nicole ay anak ni Jay-Jay Barretto na kapatid nina Marjorie, Claudine at Gretchen.