Sotto binanatan si Hontiveros sa SOGIE bill

Nagbanta si Senate President Vicente Tito Sotto III na

kanyang ibabalik sa komite kapag iniakyat na ni Senadora Risa Hontiveros

ang SOGIE Bill sa plenaryo ng hindi pinapakinggan ang kampo ng mga Anti-

Sogie bill sa pagdinig.


Antonio Sanchez ‘wag palayain! – Gabriela, ilang estudyante

Ibat ibang grupo sa pangunguna ng Gabriela,Estudyante nag tungo sa Department of Justice sa Maynila upang tutulan at manawagan wag palayain si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na responsable sa panggagahasa at pagpatay sa UPLB estudent na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993


Sotto ire-review ang dahilan kung bakit makakalaya si Sanchez

Maghahain ng senate resolusyon si Senate President Vicente Tito Sotto III na naglalayon na i-review ang batas na allowance for good conduct na siyang kumputasyon para makalaya ang isang preso na nahatulan sa pagkakasala dahil duda si Sotto sa posibleng paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.


Drilon: Sanchez ‘di qualified makalaya

Umalma si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa posibleng paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa nakulong sa kasong rape at pagpatay sa dalawang katao na nahatulan ng 7 counts ng pagkakakulong ng habangbuhay kung saan hindi aniya qualified si Sanchez para makalaya.


Dahil sa mababang pagmamahal sa bayan ng kabataan: DepEd pabor sa ROTC

Sinabi ni Arnulfo Empleo ng Department of Education na suportado ng departamento ang pagkakaroon ng mandatory ROTC sa senior highschool upang magkaroon ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa disaster preparedness na isasama sa curriculum sa ROTC upang magamit sa posibleng sakuna sa hinaharap.


ROTC hindi national, community service – DND

Umamin si Atty Norman Daanoy ang Chief Legal Affairs ng Department of National Defense ( DND) hindi community service at hindi rin national service ang ROTC kundi purely military reserves training course matapos na gisahin ni Senadora Imee Marcos sa pagdinig sa senado ukol sa mandatory ROTC.


Mandatory ROTC kasama sa priority bill ng Palasyo

Inisa-isa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga legislative agenda o priority bills ng palasyo ng Malakanyang kung saan nangunguna sa listahan ang pag-amiyenda sa human security act at ang mandatory ROTC.


Pia Cayetano ‘di magpapadikta sa isyu ng buwis

Naninindigan si Senadora Pia Cayetano na bilang chair ng ways and means committee sa senado hindi sya magpapadikta sa kumpas ng sinuman kahit ng international body pagdating sa pagtataas ng buwis.