Drilon: Ebidensiya laban kay Albayalde, 13 ‘ninja cops’ sapat

Sapat umano ang nakalap na ebidensiya ng Senado para suportahan ang paghahain ng kasong kriminal laban kay dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at 13 “ninja cops” na sangkot sa pag-recycle ng nakumpiskang iligal na droga sa Pampanga noong 2013.


HDO inilabas vs Acierto, 6 iba pa

Naglabas ang Manila Regional Trial Court ng Hold Departure Order (HDO) laban kay dating Police Col. Eduardo Acierto at anim na iba pa matapos silang idawit sa pagkakapuslit sa bansa ng mahigit P4 bilyong halaga ng shabu gamit ang mga magnetic filter.


PNP-HPG poging-pogi sa bagong BMW bikes

Tinatayang nasa 50 piraso ng BMW G310R patrol bikes na may mga pangharurot na makina at may blinker pa ang ipinamigay sa mga piling tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para magamit umano sa mabilis na pagresponde sa krimen sa bansa.


oscar-albayalde

Pahayag ng UNHRC ukol sa human rights, binara ni Albayalde

Hindi nagustuhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde ang naging pahayag ng 38 na bansa na miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) kaugnay sa umano’y human rights violations sa bansa.