2 pang barangay sa QC nagpositibo sa ASF

Matapos malamang may nangamatay na mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF), sinailalim na sa quarantine ang dalawa na namang barangay sa Quezon City.


151 kilo ng karne mula Netherlands kumpiskado

Kinumpiska ng National Meat Inspection Service-Regional Office 1 (NMIS-RO1) ang 151 kilo ng imported frozen meat mula sa basang Netherlands na apektado umano ng African Swine Fever (ASF) at pinuslit sa Tuguegarao City noong Huwebes.


Produktong may ASF binebenta sa eskuwelahan

Pinag-iingat ni Senador Win Gatchalian ang lahat ng mga paaralan sa bansa dahil sa ulat na pinasok na ng mga nagbebenta ng mga produktong positibo sa African Swine Fever o ASF.


Mekeni Food kumpirmadong may ASF – DA

Matapos ang dalawang validation test, kinumpirma ngayong Lunes ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga produktong longganisa at hotdog ng Mekeni Food Corp..


9 na ASF outbreak naitala sa QC at Pangasinan

Nagtala ng siyam na outbreak ng African swine fever (ASF) ang Department of Agriculture (DA) mula Setyembre 9 hanggang Oktubre 30, 2019 na sinisisi nito sa pag-transport ng mga maysakit na baboy at pinaghihinalaang swill feeding o pagpapakain ng kaning baboy sa mga alaga.


Mga ahensiya ng gobyerno pinatulong vs. ASF

Kinalampag ng Malacañang ang lahat ng mga departamento sa Ehekutibo na tumulong at magpatupad ng mga polisiya para makontrol ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa buong bansa.


Mga kontaminado ng ASF, alisin sa pamilihan – Pangilinan

Kung totoo umanong kontaminado na ng African swine fever (ASF) virus ang ilang meat product tulad ng tocino at longganisa, dapat tukuyin at tanggalin na ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture sa mga pamilihan, ayon kay Senador Francis Pangilinan.