Abogado ng Kamara, tutulong sa prosekusyon vs Floirendo

Pinayagan ng Sandiganbayan na tumulong sa prosecution panel ang mga abogado ni Speaker Pantaleon Alvarez at ng Kamara sa paglilitis kay Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., sa kasong katiwalian kaugnay ng Tadeco-BuCor deal.


ibp

Pagpatay sa QC prosecutor, kinondena ng IBP

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga abogado para kondenahin at hilingin ang mabilis na imbestigasyon sa naganap na pagpatay kay Deputy City Prosecutor at Chief Inquest Rogelio Alfiler Velasco noong Biyernes ng hapon sa kahabaan ng Don Antonio St., Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.


supreme-court

Grupo ng mga abogado, nag-rally sa labas ng SC

Nagtipun-tipon ngayon ang mga abogado sa harap ng Korte Suprema para kondenahin ang naging desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida na nagpatalsik sa puwesto kay Atty. Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.