28

Jun 29, 2020 @ 13:45
By

Taecyeon ng 2PM may dyowa na

In a relationship na ang main rapper ng K-pop boy group 2PM na si Ok Taecyeon.

Hunyo 23 nang sabihin ito ng Xportsnews at iulat na naispatan si Taecyeon kasama ang kanyang non-showbiz partner sa isang ranch sa Pyeongchang, Gangwon Province.

Kinumpirma ng kanyang talent agency ang ulat.

“It’s true that Taecyeon is currently in a relationship with a non-celebrity. We are cautious to say anything as this is his personal privacy and his girlfriend is not a celebrity,” ayon sa 51K source.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?