52
Table netter Misal, iba pa uupak sa Flexible Cup

Table netter Misal, iba pa uupak sa Flexible Cup

Mapapalaban ang local table tennis warriors, sa pangunguna ni veteran internationalist John Russell Misal, sa foreign rival sa pagpalo ng 9th Flexible Cup sa Activity Center sa Harrison Plaza, Manila.

Galing sa matikas na kampanya sa World Championship of Pingpon kung saan umabot siya sa Roubd-of-16 nitong nakalipas na linggo sa London, pangungunahan ni Misal ang laban ng local table netters sa Men’s Single event.

Kasama sina dating National Champion Julius Esposo at Chen Lei Xin, sabak din ang 22-anyos at dating UAAP champion mula sa National University sa Men’s Open team event.

“Kakayanin po natin. Pero talagang ang target ko po ay gold medal. ‘Yung experience ko po sa World Championship medyo advantage po para sa akin,” sambit ni Misal sa kanyang pagbisita sa Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Kasama ni Misal sa TOPS forum si Charlie Lim, honorary president ng organizing Table Tennis Association for National Development (TATAND) na bahagi rin ng local team sa 50-above division ng torneo na itinataguyod ng Flexible Packaging Corporation.

“Over 400 players are signed up for this year’s event. We organized this for 18 years, biennial event ito and this is part of our contribution for grassroots development for table tennis,” pahayag ni Lim.

Iginiit ni Lim na ang namayapang si Yanyan Lariba, unang Pinay na nakalaro sa Olympics (Brazil), ay nagsimula sa programa ng TATAND.

“TATAND is here helping our young table netters in fulfilling their dreams. Si Yanyan, kasama kami sa kanyang pagsabak sa qualifying event para makapasok siya sa Rio Olympics,” sambit ni Lim sa ‘Usapang Sports’ na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at NPC.

Sasabak din ang reigning UAAP champion University of Santo Tomas, defending NCAA champion College of St. Benilde, Cebu Huaching Team na binubuo nina dating PH No.1 Richard Gonzales , Jann Nayre at Stephen Jaca.

Lalaro rin ang Philippine Fleet Marine Team, Phil Army Team 7, PNP crime lab- Altruists, Omila Sports Academy ng Gensan at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?