49

By

Tabal walang masamang tinapay kay Hallasgo

Kuntento na sa silver medal ng 30th SEAG marathon si Mary Joy Tabal matapos matalo nang hingalin ito sa karerang ginanap sa New Clark City ground sa Capas, Tarlac.

Aniya, masaya rin siya para sa kanyang kalaban na si Christine Hallasgo dahil nakakuha na rin ito ng ginto sa SEA Games para sa unang pagkakataon.

“I’m happy for Christine because she won in her first SEA Games appearance,” pahayag ni Tabal mula sa panayam ng ABS-CBN.

Matatandaang si Tabal ay nakakuha rin ng ginto sa biennial sport meet na ginanap sa Kuala Lumpur taong 2017 kaya naman kahit ikalawa lang ang tinapos niya ay proud parin ito sa kanyang natapos.

“And I’m happy and proud we made it second. Everyone gave their best, I’m so proud of all the girls,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?