227

Dec 10, 2018 @ 16:31
By

Taas-singil sa kuryente, asahan ngayong Disyembre

Magtataas ng kanilang singil sa kuryente ang Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Meralco, tataas ng P0.0902 kada kilowatt-hour ang kanilang singil o nasa P18 sa kabuuang bill ng kumukonsumo ng 200 kwh.

Ang pagtaas ay bunga umano ng pag-akyat din ng singil mula sa Power Supply Agreements (PSAs) at Independent Power Producers (IPPs) ng P0.5167 at P0.1783, ayon sa pagkakasunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?