73

By

#TaalEruption2020: Mga lugar na walang pasok sa Enero 15

Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa ngayong Miyerkoles, Enero 15, 2020, dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Narito ang mga nagkansela ng klase sa lahat ng antas para sa araw na ito:

Cavite (Alfonso, Cavite – hanggang Enero 17)
Laguna
Batangas

Una nang sinabi ng Department of Health na hindi na apektado ng ashfall ng bulkan ang Metro Manila.

Sa ngayon, nakataas pa rin sa alert level 4 ang Taal Volcano ngayong Miyerkoles ng umaga, Enero 15, at inaasahan ang mapaminsalang pagsabog sa loob ng ilang oras o araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?