13

By

T-Wolves sinagpang ang Rockets sa Game 3

May 28 puntos si Jimmy Butler, kabilang ang apat na 3-pointers habang may 18 puntos at 16 rebounds si Karl-Anthony Towns para talunin ng Minnesota Timberwolves ang Houston Rockets 121-105 sa Game 3 Sabado ng gabi para sa kanilang unang postseason victory sa 14 na taon.

Nag-ambag si Jeff Teague ng 23 puntos at 20 naman kay Andrew Wiggins.

Mula sa bench, tumulong rin si Derrick Rose sa kanyang 17 puntos. Susubukan ng Wolves na maipanalo ang Game 4 para maitabla ang serye sa Lunes na gabi.

Nanguna sa Rockets si James Harden sa kanyang 29 puntos habang may 17 puntos si Chris Paul. Kumana lamang ang Rockets ng 15 3-pointers sa 41 nilang tira. AP

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?