99

By

System upgrade palpak! BPI namerwisyo ng mga customer

Nakatanggap ng panggagalaiti ng mga customer ang Ayala-owned banking service na BPI matapos ang tatlong araw na system upgrade.

April 5 hanggang 7 ay naperwisyo ang mga kliyente ng nasabing bangko, sarado ang kanilang serbisyo at tanging sa automated teller machine lang pwede ang transaksiyon.

Marami ang umaray sa nasabing upgrade, lalo na’t isang araw lang bago ang upgrade inanunsyo ang pagkawala ng serbisyo.

Ngunit hindi pa doon natapos ang problema, matapos ang system upgrade ay technical glitch naman ang hinarap ng mga customer.

Saad nila nawala ang mga bank record ng kanilang transaction, at hindi rin makuha ang kanilang mga pera dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?