94

Mar 31, 2020 @ 15:06
By

Sylvia Sanchez tinamaan ng COVID-19

Hanggang ngayon, hindi pa rin mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus (COVID-19).

Nitong mga nakaraang linggo ay nag-positibo ang ilan sa mga beterano sa industriya ng showbiz gaya nina Christopher De Leon at Iza Calsado.

Ngayon naman ay ikinalulungkot na ibinalita ni Sylvia Sanchez sa kanyang instagram na kapwa sila nag-positibo ng kanyang asawa na si Art Atayde.

Kuwento niya, dinala sila sa ospital ng kanyang asawa nitong March 24 dahil nakaramdam sila ng sintomas ng virus gaya ng ubo at panginginig.

Matapos magpa-test, nagkusa ang dalawa na i-isolate ang kanilang sarili hanggang dumating ang resulta. “A week later, we finally received the results and we both came out positive for COVID19,” malungkot na wika ng aktres.

Dahil dyan, pinakikiusapan niya na kung sino man ang kanilang mga nakasalumha bago sila magpa-check ay mag-self quarantine din at obserbahan ang sarili.

“We would like to request those whom we saw prior to the community quarantine to monitor for symptoms of shortness of breath, cough, fever, LBM and sore throat. Art and I are getting better each day,” dagdag pa niya.

Kalakip ng kanyang salaysay ay proof ng resulta ng kanilang test na mag-asawa.

Marami ang nalungkot, nabahala at agad ding bumuhos ang dasal ng mga netizen para sa beteranang aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?