379
sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez sa pagdi-date nina Maine-Arjo: Masaya ang anak ko

Nabalitaan na umano ng ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez ang naglalabasang isyu na nagdi-date ang anak niya at si “Eat Bulaga” star Maine Mendoza.

Nang tanungin tungkol ang isyu, sinabi ni Sylvia na wala pang sinasabi ang anak niya sa kanya tungkol dito at kapag tinatanong niya ito ay nginingitian lang siya nito.

Nirerespeto rin umano niya kung ayaw sabihin ni Arjo ang sikreto nito at kung sa ano ang ginagawa nito sa ngayon.

Sa panayam ng ABS-CBN, tinanong si Sylvia kung ramdam ba nito na masaya ang kanyang anak, sinabi nitong: “Masaya ang anak ko at ‘yun ang importante sa akin bilang ina.”

Matatandaang ilang beses nang naispatang magkasama sina Maine at Arjo at naintriga na noon dahil sa kanilang matching outfits.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?