55

Apr 8, 2020 @ 18:57
By

Sylvia Sanchez, mister malinis na sa pneumonia

Dalawang linggo matapos makumpirmang positibo sa coronavirus disease o COVID-19, malinis na sa pneumonia ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Masaya itong binalita ng anak nilang si Ria Atayde sa ulat ng StarStudio.

“It has truly been overwhelming and reassuring knowing that there are so many people praying with and for us and our parents’ speedy recovery. As of today, we have been told that our parents’ lungs are finally cleared from pneumonia,” pahayag ni Ria.

Samantala, sasailalim pa sa panibagong test ang mag-asawa para madetermina kung hindi na sila positibo sa COVID 19 bago payagang makauwi.

Marso 24 nang kumpirmahin nina Sylvia at Art na infected sila ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?