34
SWS: PH control sa WPS importante sa mga Pinoy
By

SWS: PH control sa WPS importante sa mga Pinoy

Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 93 porsiyento ng mga Filipino ang naniniwala na mahalagang makuhang muli ng gobyerno ang kontrol sa inokupahang mga isla ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Nasa 74% ng tinanong na 1,200 Filipino adults ang nagsabing “very important” habang 19% ang “somewhat important”.

Isang porsiyento lang ang naghayag na “not at all important” ito habang apat na porsiyento ang “undecided” sa isyu.

Isinagawa ang survey ng Hunyo 22 hanggang 26, 2019 gamit ang face-to-face interviews nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?