15

By

SWS: Bilang ng Pinoy na nakasaksi ng iregularidad sa 2019 polls, nabawasan

Maliit na bilang lang ng mga Filipino ang nakakita ng iregularidad sa isinagawang 2019 midterm elections kumpara sa May 2016 polls, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa 1,200 respondents, 10 porsiyento dito ang nagsabing nakasaksi sila ng iregularidad sa katatapos na eleksyon gaya ng vote-buying, harassment ng mga botante, flying voters o mga botante na nakatala sa maraming presinto, distortion ng vote counts, panunuhol at karahasan.

Bumaba ang bilang na ito kung ihahambing sa 19 porsiyento na nakakita ng dayaan noong 2016 presidential elections.

Samantala, ang may pinakamaraming inireklamo ay ang mahabang pila sa mga voting precinct, na mas mataas nitong 2019 elections.

Nasa 53 porsiyento ng respondents ang dumaing sa mahabang pila kumpara sa 51 porsiyento noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?