676

By

SWS: Bam Aquino tanging oposisyon na lumusot sa Magic 12

Muling naglabas ng resulta ng senatorial survey ang Social Weather Stations (SWS) kung saan ay tanging si re-electionist Senator Bam Aquino lamang ang nakapasok sa tinatawag na ‘Magic 12’.

Nasungkit ni Bam Aquino ang ika-12 pwesto sa SWS survey na isinagawa mula Marso 28 hanggang 31.

Nakakuha ng 29% na boto ang naturang senador.

1,371 respondents ang nakiisa sa nasabing survey.

Samantala sa Magdalo survey naman ay nakamit ni Aquino ang ika-8 pwesto kung saan ay nakahakot siya ng 34.5 porsiyento ng mga boto.

Nagpasalamat si Aquino sa mga mamamayan at taga-suporta sa patuloy na tiwala at suportang ibinibigay ng mga ito sa kabila ng mga paninira at maling balita laban sa kaniya.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayan sa patuloy na tiwala. Inspirasyon po natin ang mga supporters at volunteers na nagtutulungan at gumagawa ng paraan para makatulong sa kampanya at labanan ang fake news na ibinabato sa akin,” ani Bam Aquino.

”Lalo tayong sumisigla kapag nakikita natin na sila na mismo ang nagbabahay-bahay para sabihin ang katotohanan,” aniya.

Tiwala naman si Aquino na mas aangat pa ang makukuhang pwesto sa mga election poll sa mga susunod na linggo dahil sa kaniyang mga taga-suporta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?