51
Swimming itutulak sa elementarya, high school
By

Swimming itutulak sa elementarya, high school

Matapos makapagtala ng 45 katao na nasawi dahil sa pagkalunod, isusulong ng Philippine National Police (PNP) na maging subject sa elementarya at high school ang swimming.

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, ang bilang na 45 ay naitala lang mula Abril 5 hanggang Abril 21 nitong taon.

Aniya, maaaring isama ang swimming lessons sa physical education curriculum sa mga paaralan.

Payo ng PNP sa mga magulang, laging tingnan ang mga anak habang nasa resort o mga swimming pool dahil karamihan ng mga naitalang biktima ay mga menor de edad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?