151

Dec 16, 2019 @ 18:06

SUV inararo ang ilang sasakyan, 3 patay

Tatlo ang nasawi habang anim ang sugatan matapos araruhin ng isang sport utility vehicle (SUV) ang ilang kortse sa McArthur Highway sa Bocaue, Bulacan nitong Lunes.

Sa paunang imbestigasyon ng Bocaue Police, ayon sa isang ulat, napag-alamang unang bumangga ang SUV sa isang sasakyan.

Sinubukang tumakas ng SUV driver matapos ang banggaan, kaya nito nabanggan ang iba pang kotse sa daan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?