101

Jun 30, 2020 @ 20:51
By

Susunod daw na BB Gandanghari, Ion Perez napamura

Pinatulan ng BF ni Vice Ganda na si Ion Perez ang ilang netizen na pumuna sa recent Instagram post niya.

Sa kanyang latest post, naka-mirror selfie si Ion kung saan nakaupo siya habang naka-crossed legs.

Inulan ng comment si Ion at tinawag siyang “bakla”.

“Upong koreano bakla agad??? Mga ulol hahahahaha,” reply ni Ion.

“Lutoooo naaa ang adobo… wait! Konting paminta pa nga….” sabi ng isang basher.

Isa pang netizen ang nagsabing si Ion na ang susunod na BB Gandanghari, o dating Rustom Padilla.

“Kamuka mo aso mo!! Wag naman sana pati ugali sayang ang aso!” resbak ni Ion.

 

May ilang netizen ang nagtanggol kay Ion.

“Wag niyo po husgahan ang si idol ion kung panget din po ang nakaraan niyo po.. idol ion kaya moyan mga basher na yan suppport kita sa mga pinagsasabi mo sa mga Basher mo idol ion,” ani r._markanthony.

“Fans over bashers parin, cheer up kuya Ion sayang time mo sa mga bashers na wala lang magawa grrr…” sey naman ni iam_louisekim.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Hair color @zero1storyhairsalon Hair style @buernrodriguez

A post shared by Benigno Dungo Perez️ (@pereziion27) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?