47
rape
By

Suspek sa rape namaril sa presinto, todas

Napatay ang isang lalaking inakusahan ng panghahalay matapos umanong magpaputok ng baril sa loob ng istasyon ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, kinasuhan ng rape ang suspek na si Justine de Guia dahil umano sa panggagahasa sa isang 13-anyos na dalagita.

Tinakot umano ni De Guia ang nanay ng biktima kaya tumakbo ang huli sa Dasmariñas City Police station.

Rumesponde ang mga pulis at inaresto si De Guia pero nang isasailalim na sa booking procedures, naglabas ito ng baril at nagpaputok.

Nabigo umano ang mga pulis na kapkapan muna ang suspek na may dala pa lang maliit na baril na nakasukbit sa kanyang brief.

Hindi naman batid kung may namatay o sugatan sa ginawang pamamaril ng suspek na tumakas sa police station.

Nagkaroon ng habulan kung saan sa palitan ng putok napatay si De Guia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?