49
Pasig
By

Suspek sa pamamaril ng Briton timbog sa Pasay

Arestado ang isa sa mga suspek sa pamamaril ng isang British national, Biyernes ng hapon sa Pasay City.

Ayon sa Pasay City police, hinuli si Abubakar Datumalo, mas kilala bilang ‘Randan’ o ‘Abit’, matapos makatanggap ng mga reklamo ukol sa isang magnanakaw na may dalang armas.

Timbog si Datumalo, isang hinihinalang miyembro ng tinatawag na ‘Sputnik’, sa Bagong Cuneta St., Barangay 190, Zone 20, Pasay City bandang alas-5 ng hapon.

Nasamsam sa suspek ang Colt caliber .45 pistol, 7 live ammunition at 4 na maliit na sachet ng hinihinalang shabu.

Isa si Datumalo sa pinaghihinalaang bumaril kay Liliford David noong Mayo 19 sa Beachcraft St., Barangay 190, Zone 20 sa Pasay.

Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?