182

Suspek sa pagpatay sa Ombudsman prosecutor, arestado

Nadakip ang primary suspect sa pagpatay sa buntis na Ombudsman prosecutor sa Quezon City.

Sinabi ng mga awtoridad nitong Martes, naaresto si Angelo Galvez Avenido, alyas “Moymoy”, sa ginawang follow-up operation sa Culiat nitong Lunes ng gabi.

Narekober sa suspek ang ID, dalawang pitaka, siyam na P1,000 bills, at isang cell phone na pag-aari ng biktimang si Madonna Joy Tanyag.

Ayon sa report, pinagsasaksak hanggang sa mamatay sa bangketa sa Barangay Vasra si Tanyag na pabalik na sana ng kanyang opisina matapos bumili ng milk tea nang mangyari ang krimen.

Limang buwan umanong buntis ang prosecutor nang patayin ng salarin.

Naunang sinabi ni Quezon City police director Chief Supt. Joselito Esquivel na dalawang persons of interest na ang nasa kustodiya ng pulisya kaugnay sa pagpatay.

Dalawang taon nang prosecutor sa Ombudsman si Tanyag.

Karamihan ng mga hinahawakan niyang kaso ay graft. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?