96

By

Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.8 lindol

Inuga ng magnitude 4.8 na lindol ang Surigao del Sur nitong Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol alas-5:38 ng hapon sa southeast ng bayan ng Carrascal, na tectonic ang origin at may lalim na 8 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa mga bayan ng Carrascal at Cantilan.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang Phivolcs matapos ang lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?