64
kevin-alas
By

Surgery para sa ACL injury ni Alas, matagumpay

Makakalabas na ng ospital ang NLEX guard na si Kevin Alas.

Kinumpirma ito ng kanyang tatay na si Phoenix Fuel Masters head coach na si Louie Alas.

“Tuesday lalabas na,” pakli ni Alas. “Okay naman. Medyo masakit pa raw. Usually, ‘yung procedure, pagkatapos, puwede na lumabas pero na-experience naming last year na after six hours, sobrang sakit kapag wala na ‘yung anesthesia.”

Ito na ang ikalawang sunod na ACL injury ni Alas, matatandaan na noong nakaraang March 2018 ay nagkaparehong tama rin ito dahilan para mabakante ng ilang buwan.

Saad pa ni Louie iiwas muna sa basketball ang kanyang anak habang naghihilom pa ang sugat sanhi ng surgery.

“Ayaw daw muna niya. Siguro kapag nag-uumpisa na siya mag-therapy which is after two weeks o kapag nagrerehab na. Ayaw daw niya pag-usapan ‘yung basketball,” saad pa ng Phoenix coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?