63

Apr 6, 2020 @ 18:57
By

Sunshine Cruz sinabihang papansin, pakitang gilas ngayong COVID crisis

Dumepensa si Sunshine Cruz sa basher na nagsabing wala umano siyang ginawa kundi magpapansin, at pakitan gilas habang humaharap ang bansa sa krisis sa coronavirus disease.

Sa Instagram post ni Sunshine Cruz, kasama ang kanyang anak na si Chesca pinakita nilang workout mode sila at sinabi pa sa caption na, “I did the 10 minute cardio earlier today (which I will be sharing with you guys tomorrow at 9am thru IG live) with Chesca. Working out with my daughter/daughters is the best! Stay healthy everyone! Ingat po!”


Pero may isang netizen na tila hindi ito nagustuhan at sinabing, “Walang natulong puro pakitang gilas halatang papansin lmang… extend your help un ang kailangan ngaun hindi ung puro pa curve”.

Sinagot naman ito ni Sunshine ng, “Lol! I am helping in my own way. Ikaw? Have you done your part? If you are bothered by my posts, then don’t look. Now if you have done your part, then good.”

Sumagot pa muli ang netizen kay Sunshine, aniya “we’ve done our part for sure…i’m not bothered with your post its just that maybe not this time…we as an ordinary citizen need an inspiration not a promotions.”

Hindi rin napigil si Sunshine at pinaalam sa netizen na ang kanyang ginagawa ay pagpo-promote sa health and wellnes na kailangan din sa ngayon.

Pinaliwanag din ng aktres na hindi niya pinost ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan ngayon. Aniya, “tumulong ako, kasi if I post may masasabi, kapag hindi meron pa rin diba? Kaya I am spreading positivity dahil ang dami na ngang nega.”

Sinabihan din ni Sunshine ang netizen na i-unfollow na lang siya sa IG kung hindi nito nagugustuhan ang kanyang post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?