495
Sunog sumiklab sa Gaisano Mall sa Davao City
By

Sunog sumiklab sa Gaisano Mall sa Davao City

Iniimbestigahan na ang nangyaring sunog sa isang malaking shopping mall sa Davao City nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa Gaisano Mall dakong alas-4:17 ng hapon at idineklarang fire out dakong alas-4:55 ng hapon.

Sa Facebook post ng netizen na si Ron Anore, makikita ang makapal at maitim na usok na nagmumula sa mall.

Samantala, inaalam pa ang pinagmulan ng apoy habang wala naman umanong naiulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?