140

Sunday PinaSaya ‘di na aabot ng Pasko

Sa Disyembre 22, 2019 na mapapanood ang farewell episode ng GMA-7 Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

Apat na taon din itong pinalabas, matapos palitan ang musical-variety show na Sunday All Stars na nagwakas last August 2015.

Nalulungkot man at nakararamdam ng separation anxiety ang mga bumubuo sa programa, relieved naman sila dahil magwawakas ang Sunday PinaSaya na maraas ang rating at maraming commercial.

Ayon sa isang ulat, isang station-produced na Sunday musical variety program ang papalit sa nasabing palabas sa unang linggo ng Enero 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?