2,899

Feb 8, 2020 @ 22:01
By

Sundalo pumatay ng commander, 11 pang katao habang naka-FB Live

Nasawi ang 12 katao nang isang sundalo ang magpaulan ng bala sa isang mall sa Nakhon Ratchasima, Thailand nitong Sabado ng gabi.

Unang binaril ng suspek ang kanyang commander at dalawa pa sa Surathampithak army camp bago tumakas sakay ng ninakaw na Humvee, ayon sa Bangkok Post.

Namaril siya ng mga sibilyan habang patungo sa Terminal 21 shopping mall sa Muang district.

Kumalat ang video ng paglabas ng sundalo sa sasakyan sa harap ng mall at saka nagpaputok.

Sumabog din ang isang cooking gas container sa food court nang barilin niya ito.

Nag-Facebook Live pa ng kanyang ginawa ang suspek habang hawak ang isang rifle.

“Tired, I can barely move my fingers,” sabi niya sa video na tinanggal na pero nai-share ng ilang netizen.

Pinaghahanap na ang sundalo na kinilalang si Cpl. Jakrapanth Thomma, 32, ng Surathampithak camp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?