140
Sundalo patay, 2 sugatan sa engkuwentro sa Isabela
By

Sundalo patay, 2 sugatan sa engkuwentro sa Isabela

Patay ang isang sundalo habang dalawa pa ang nasugatan matapos maka-engkuwentro ang mga kasapi umano ng New People’s Army (NPA) sa Villa Rey, Echague, Isabela noong Sabado, Disyembre 14.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry Division Phil. Army, nagkaroon ng focus military operations ang mga kasapi ng 86th Infantry Battalion (IB) dahil sa presensiya ng mga rebeldeng nangingikil umano sa mga mamamayan sa Barangay Villar Rey, Barangay San Carlos, at Barangay Madadamian.

Sa pagtungo ng mga sundalo sa nabanggit na lugar ay nagkaroon umano ng engkuwentro na nagresulta ng isang patay at dalawang sugatan.

Sabi pa ng sundalo, maaring ginagawa ng mga diumano’y rebelde ang umano’y pangingikil para magamit sa nalalapit nilang founding anniversary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?